Buwan ng Wika

Noong Sabado, nagpunta kami sa “PINOY AKO!”, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan ng Victorious Homeschool.

Sobrang saya ng event! Nakipagusap ako sa mga kaibigan ko at naglaro kami ng mga traditional Filipino games tulad ng “Ten-Twenty”, “Patintero” at “Bato Bato Pik”.

Akin ding ibinida ang tradisyunal na sining ng pagta-tato. Kilala ito bilang “batok” sa Norte o “patik” sa Visayas. Pinili ko ang mga disenyong mula sa Visayas dahil mula doon ang aking tatay.

Ang mga tato ay simbolo ng katapangan at kagitingan ng mga sinaunang Pilipino. Ipinapakita din nito ang mga kultura ng mga tribo at lugar katulad ng mga simbolo para sa hangin, agos at paghahabi. May mga disenyo din na simbolo ng proteksyon laban sa masasamang elemento.

Sa aking kamiseta ay makikita ang salitang PILIPINAS na nakasulat gamit ang tradisyunal na paraan ng pagsulat ng mga Pilipino – ang baybayin.

Maligayang Buwan ng Wika at Kasaysayan sa lahat! 

Leave a Reply